Ang Aking Kaibigang Multo
ni: Joan Cabarlo
Wala
akong kamalay-malay.
Hindi
iyon pumasok sa isip ko.
Hindi
ko alam na ang kalaro ko pala ay isang batang multo.
~
Ako si Jenny Dumo, 3rd year
Psychology Student na ngayon. Ang mga pangyayaring iyon ay sariwa pa sa aking
utak, na hanggang ngayon ay hinding hindi ko pa rin makakalimutan.
Labindalawang taon na ang nakalilipas magmula
noong nangyari ang hindi ko inaasahan na mangyayari sa tanang buhay ko.
Kakalipat lang naming noon sa Baguio.
Naisipan nila Mama at Papa na lumipat ng bahay dahil na rin sa mas malapit ito
sa kompanya kung saan nagtatrabaho si Papa. Ang bahay na nilipatan naming ay
maganda bagama’t mayroong puno ng balete na katabi.
Noong una pa lang ay kakaiba na ang titig sa
amin ng mga tao doon. Hindi ko alam kung ano ang ibibigay kong deskripsyon sa
mga titig nila. Hanggang sa may lumapit kay Mama sabay sabing ingatan daw n’ya
ako. Hindi ko alam kung ano ang nais iparating ng babaeng iyon dahil sa pitong
taong gulang pa lamang ako noon.
Dahil sa bakasyon pa lamang noon ay wala pang pasok, kaya naman
napag-isipan kong tumulong muna kay mama na maglinis at mag-ayos ng mga gamit
sa loob ng bahay bago lumabas.
“Mama, maglalakad-lakad lang
ako sa labas ng bahay” –
paalam ko kay Mama at pumayag naman s’ya.
Nakalabas na ako ng bahay at bigla-bigla na
lang akong napatingin sa malaking puno ng balete na katabi lang ng bahay namin,
parang may humihila at nagsasabi sa akin na lumapit ako sa punong iyon,
ngunit..
“Neng, saan ka pupunta?” – sabi ng isang babae
“Diyan lang po” – turo ko sa may puno ng balete at bakas sa
mukha ng babae ang pagkagulat.
“Gusto mong pumunta sa bahay?
Ipapakilala kita sa anak ko para naman may kalaro ka” – exciting ‘to sabi ko sa sarili ko.
“Aba! Sige po!” – sabi ko sa kanya at ako nga’y tuwang tuwa.
Hanggang sa nakilala ko si Mary Ann, simula
noong araw na iyon ay kami ang magkasama. Hindi kami pinapayagang lumabas ng
Mama n’ya sa hindi ko malamang dahilan. Ngunit isang araw ay nagpaalam sa akin
si Mary Ann kasama ng kanyang Ina na luluwas na raw sila ng Maynila at doon na
rin mag-aaral si Mary Ann.
“Wala
na akong kalaro” – sabi ko sa isip ko
Hapon
na noon ay nasa labas ako ng bahay, nalulungkot ako sa pag-alis ni Mary Ann.
Habang nasa kalagitnaan ako ng pag-iisip ay may lumapit sa akin na isang Batang
Babae.
“Parang ka-age ko rin ‘to ah!” – sabi ko sa isip ko
“Bago ka ba dito?” – tanong ko sa kanya
“Hindi.
Matagal na ako dito” – sabi n’ya
“Ngayon lang kasi kita nakita
e, kilala mo si Mary Ann, sayang pumunta na s’ya ng Maynila”
“Gusto mong maglaro?” – sabi n’ya at hindi n’ya pinansin ang sinabi
ko kaya um-oo na lang ako.
“Halika! Punta tayo doon” – nagulat ako dahil itinuro n’ya ang punong
balete. Hindi ko na lang pinansin kasi may bago na naman akong kakilala. Nung
maglalakas n asana ako, bigla akong tinawag ni Mama at pagtingin ko sa may
pinto ay nandoon na si Mama.
“Jenny! Sino kausap mo?
Nagsasalita ka mag-isa mo. Pasok na sige na!” – sabi ni Mama.
“Mama naman e, hindi po ako
mag-isa kasama ko po si-“ – nung
ituturo ko na sana yung bago kong kakilala ay nagulat ako dahil wala na s’ya sa
tabi ko.
“Nasaan? Jusko ikaw talagang
bata ka, pasok na!” – kunot
noong sabi ni Mama. Pumasok na lang ako sa loob.
Kinaumagahan, walang pakundangan akong
nagtungo sa puno ng balete, nagbabakasaling Makita ko ang aking kalaro. Sa
likod niyon ay nakita ko ang isang babaeng bakas na bakas ang pagkalungkot sa
mukha n’ya.
“Anong nangyari sa iyo?” – tanong ko sa kanya.
“Ah! Nandito ka pala. Wala!
Wala! Laro na tayo ng tagu-taguan gusto mo?” – sabi n’ya at ayon na naglaro na kami kahit kaming dalawa lang.
Pagkatapos niyon ay umuwi ako sa bahay ng
tuwang tuwa. Nag-enjoy naman akong kasama s’ya at mukhang ganoon din naman s’ya
sa akin. Araw-araw na kaming naglalaro ng kahit na ano, hanggang dumating sa
punto na di naming namamalayan na maggagabi na pala.
“Una na ko ha?” – paalam ko sa kanya at tumango naman s’ya.
Nang nasa labas na ako nang bahay ay nakita
ko ang galit na galit na mukha ni Mama.
“Saan ka ba nagpupupunta ha?
Hinanap na kita sa mga kapitbahay natin wala ka naman daw, mapapatay mo ako sa
nerbyos ikaw bata ka!” –
sabi ng aking Mama.
“Mama, sorry po.
Nakikipagkwentuhan at nakikipaglaro lang naman ako dyan oh” – turo ko sa may puno ng balete.
Nakita ko ang gulat na gulat na ekspresyon
ni mama na bakas na bakas sa kanyang mukha.
“Subukan mo pang pumunta doon,
makakatikim ka na talaga sa aking ng palo! Naiintindihan mo ba?” – galit nag alit na talaga si Mama.
“Opo Mama” – iyan na lang ang nagging sagot ko kay Mama at
dumiretso na ako sa aking kwarto.
“Kailangan kong makabalik doon
dahil may sasabihin daw s’ya akin”
Kinabukasan ay naghahanap ako ng tiyempo
para makalabas ng bahay. At noong nasa kusina na si Mama ay sinamantala ko na
ang pagkakataong iyon para makalabas. Nakarating ako sa may likod ng balete at
nakita ko ang pilit na pilit na ngiti ng aking kaibigan.
“Ano nga pala ang sasabihin
mo?” Bilisan mo lang ah? Kasi aalis din ako kaagad, baka kasi hanapin ako ni
Mama” – sabi ko.
“Yung Mama ko, iniwan ako dito”
– panimula n’ya. Hinayaan ko
lang na ipagpatuloy n’ya ang kanyang sinasabi.
“Iniwan n’ya ako siguro ako
dito dahil ako raw ang malas sa buhay n’ya, ako raw ang dahilang kung bakit
sila naghiwalay ni Papa”
“Hinihintay ko si Mama dito at
nagbabaka-sakaling balikan n’ya ako dito”
“Ayokong umalis sa lugar na
ito, hihintayin ko ang Mama ko”
Tanging
pagtango lang ang nagawa ko. Hindi
ko alam kung ano ang ssabihin ko.
“Pwede bang di---
“Jenny!!”
Hindi ko na
narinig ang sinabi n’ya dahil distracted ako sa boses ng Mama ko.
“Ano na ulit ‘yong sinabi mo?”
– sabi ko sa kaibigan ko.
May kumalabit
sa akin sa likod ko, nung tinignan ko
“WAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHH! MAMA!
Ano ba naman kayo! Kita ninyong may kausap ako e tapos nandi---
Hindi ko na
naituloy ang sasabihin ko dahil bigla-bigla na lang akong hinila ni Mama
pabalik sa loob ng bahay. Nagulat ako dahil pagkapasok ko sa loob ay may nakita
akong Matanda na nakaupo sa may sala.
“Sino po kayo?” – tanong ko sa kanya
“Maupo ka dito” – turo ni Mama sa isang upuan.
Pagkaupo ko pa lang
“May nakikita ka bang bata dyan
sa may puno ng balete?” – sabi n’ya.
“Opo, kalaro ko nga po s’ya
palagi e” – sabi ko.
“Multo s’ya at huwag na huwag
ka nang lalapit pa doon”
“Hindi po… H-hindi po s’ya
multo!” – sabi ko at konti
nalang ay babagsak na ang mga luha sa aking mata.
“Namatay s’ya noong nakaraang
taon, Iha. Nasagasaan s’ya dyan mismo sa may tabi ng balete na iyan, ngunit
hindi s’ya binalikan nung nakasagasa sa kanya. Totoo ito Iha dahil isa ako sa
mga nakakita sa bangkay n’ya. Hanggang sa usap-usapan na dito na may nakakakita
raw sa kanya dyan, kaya nga hindi masyadong pinapalabas ang mga bata dito” – sabi n’ya.
“Bukas na bukas ay aalis na
tayo dito, nakaimpake na ako at nasabi ko na rin sa Papa mo na lilipat na lang
tayo sa mas safe na lugar” – sabat
ni Mama.
“Mama kahit naman ni minsan ay
hindi ko naisip na multo s’ya. Kahit naman ni minsan hindi n’ya ako sinaktan,
kaibigan ko po s’ya” – napahagulgol na lang ako sa pag-iyak.
“Wala ka ng magagawa! Aalis na
tayo bukas na bukas din”
At wala na
akong nagawa noong araw na iyon. Umalis kami doon at sa isang sulyap ay nakita
ko ang aking Kaibigan, lumulutang sa ere ang dalawang paa at bakas sa kanyang
mukha ang kalungkutan.
~
Labing-siyam
na taong gulang na ako ngayon ay naaalala ko pa rin ang bagay na iyon. Naisip
ko na hindi pala sa lahat ng bagay ay dapat katakutan ang mga multo,dahil ang
ilan sa kanila ay may hinihintay. Hindi sila nmatahimik dahil may kailangan pa
sila o di kaya ay may gusto pa silang sabihin sa mga taong naiwan nila kagaya
na lamang ng aking Kaibigang Multo.
~ Wakas ~