"Ang Nagugutom na Aso"
ni: Joan M. Cabarlo
Minsan, habang naglalakad pauwi si Aso ay nakaramdam siya ng gutom.
Sa di kalayuan ay nakakita siya ng buto.
"Kung sinuswerte nga naman, paniguradong kakalma na ang sikmura ko neto." sabi niya.
Nang akmang lalapitan na sana niya ito ay inunahan siya ng tumatakbong Aso.
Malungkot na umalis ang Asong nagugutom.
"Hayaan ko na nga lang, paniguradong hindi naman iyon masarap." sabi niya sa sarili.
Aral: Ang pagsasabi ng hindi maganda sa isang bagay na minsan mo rin namang hinangad ngunit hindi lang napasa-iyo ay hindi nakabubuti. Huwag agad-agad sumuko sa isang bagay na hinding hindi mo pa sinusubukang ipaglaban.