Martes, Setyembre 29, 2015

Talambuhay

“Maskara”

Sabi nila TRUST is like a glass, once na nabasag ay hindi mo na ito maaaring maibalik sa dati.
Sabi rin nila, ang buhay ay nababalutan ng mga pekeng maskara, kasi dito nakatago lahat ng mga masasama at malulungkot na bahagi ng ating buhay.
Isa ako sa mga taong naniniwalasa PERFECT! Kasi namulatako ng may buo at masayang pamilya.Tatlo kaming magkakapatid at ako ang pangalawa.Pinag-aral ako ng aking Tita sa pribadong paaralan at naimpluwensyahan ako ng masasaya at mabubuting kaibigan.
Kung ilalarawan ako ay isa akong living “Mr. Bean”, maraming kalokohan ngunit nagbibigay kasiyahan.
Okay pa naman ang takbo ng buhay ko hanggang sa umapak ako ng kolehiyo ngunit ang masaya kong buhay ay unti-unti nalang naglaho.
“Ma, okay ka lang ba? Bakit biglaan ka na lang umalis ng bahay? Wala man lang paalam ganun? Si Ate naman may asawa’t anak na siya! Hindi pa nga siya nakapagtapos ng pag-aaral. Pero ma! Pagpasensyahan mo na ha? Sana nga nandito ka! Hindi ko man lang kasi alam ang rason mo kung bakit bigla-biglaan ka na lang umalis ng bahay.”
“Alam mo ma, miss na po kita! Si papa?Ayun walang ibang ginawa kung hindi uminom! mapa-umaga, tanghali at gabi-gabi. Tinagurian ko nga siyang “drinking Lord” eh! At dumating na rin po sa point na nakakapagmura na talaga ako dahil sa kanya.”
“May problema ho ako ma! Si tita ayaw na akong pag-aralin dahil kay Lolo kasi sinabi raw po ni Lolo sa kanya na wala raw siyang karapatan sa akin. Hindi ko naman po alam ang buong kuwento kaya hindi ko po alam kung ano po talaga ang nangyari. Basta ang alam ko ay hindi na ako pag-aaralin ni tita. Paano na po ako ngayon?”
“Nangako po si Lolo at Tito na pag-aaralin nila ako pero ma, isa po silang malaking exclamation point!Sinungaling po sila!!!! Binigay ko yung buong tiwala ko sa kanila kasi naniniwala ako na talagang susuportahan at pag-aaralin nila ako ngunit napunta sa wala ang lahat.”
“Ang sakit lang po kasi naniwala ako sa kanila. Nawala po bigla lahat ng mga pangarap ko sa buhay. Nasaan na yung PERFECT family na binuo ninyo ni Papa? Nasaan na po yung PERFECT family natin?”
“Nag-aaral po ako ng mabuti para sa inyo at para na rin may kinabukasan ako, ni wala nga po akong bagsak at talagang nagsisipag ako para lang mapasaya ko kayo kahit papaano. Wala ng magpapa-aral sa akin! Tinalikuran na po nila akonglahat ma! Ang masakit pa, PATI KAYO!”
“Wala akong maaasahan kay Papa kasi wala naman po siyang pakialam sa akin, drinking lord e!Nakakapanghinayang kasi siya nga yung nandito ngayon pero parang di po siya nag e-exist. Wala nga po siyang pakialam sa amin e! Imbes na siya sana yung makatulong sa problemang idinulot sa akin ng mga taong nangakong magpapa-aral sa akin eh’ hindi naman.”
“Tapos ma!Ang unfair mo! Ang tagal mong nawala tapos malaman-laman ko na lang na nasa hospital pala kayo! Malaman-laman ko na lang na may sakit na pala kayo. Bakit ngayon pa po?Nagkandaleche-leche na ang buhay ko ngayon. Wala ng perfect! Ang sakit sakit na! Parang di ko na po kaya! Pero dahil na rin sa tulong at suporta ng mga bubutihin kong mga kaibigan ay nagagawa ko pa ring ngumiti at itago sa likod ng aking maskara ang katotohanan.”
“Nakapagdesisyon na po ako na kung wala na talagang ibang makakatulong sa akin ay tutulungan ko na lang po mismo ang sarili ko.”
“May trabaho na po ako ngayon ma at mag-iipon ako ng dalawang taon tapos ako na mismo magpapa-aral sa nakababata kong kapatid.”

Hindi sa lahat ng pagkakataon ay dapat ialaynatin sa iba ang ating magiging kapalaran sa hinaharap. May mga pagsubok na darating sa mga pagkakataong hindi natin inaasahan. Ngunit dahil na rin sa aking sariling pagsisikap at tiwala ay nakakaya kong harapin ang mg adagok ng buhay.

Ako ay masayahing tao na parang hindi mo kakikitaan ng kahit anong problema sa buhay. Hindi ako kakikitaan ng anumang bahid ng lungkot dahil nakatago lamang ito sa likod ng aking maskara.

Sabado, Agosto 1, 2015

Pabula

"Ang Nagugutom na Aso"
ni: Joan M. Cabarlo

Minsan, habang naglalakad pauwi si Aso ay nakaramdam siya ng gutom.
Sa di kalayuan ay nakakita siya ng buto.
"Kung sinuswerte nga naman, paniguradong kakalma na ang sikmura ko neto." sabi niya.
Nang akmang lalapitan na sana niya ito ay inunahan siya ng tumatakbong Aso.
Malungkot na umalis ang Asong nagugutom.
"Hayaan ko na nga lang, paniguradong hindi naman iyon masarap." sabi niya sa sarili.

Aral: Ang pagsasabi ng hindi maganda sa isang bagay na minsan mo rin namang hinangad ngunit hindi lang napasa-iyo ay hindi nakabubuti. Huwag agad-agad sumuko sa isang bagay na hinding hindi mo pa sinusubukang ipaglaban.

Martes, Hulyo 28, 2015

Ang Aking Kaibigang Multo
ni: Joan Cabarlo

Wala akong kamalay-malay.
Hindi iyon pumasok sa isip ko.
Hindi ko alam na ang kalaro ko pala ay isang batang multo.
~
Ako si Jenny Dumo, 3rd year Psychology Student na ngayon. Ang mga pangyayaring iyon ay sariwa pa sa aking utak, na hanggang ngayon ay hinding hindi ko pa rin makakalimutan.
Labindalawang taon na ang nakalilipas magmula noong nangyari ang hindi ko inaasahan na mangyayari sa tanang buhay ko.
Kakalipat lang naming noon sa Baguio. Naisipan nila Mama at Papa na lumipat ng bahay dahil na rin sa mas malapit ito sa kompanya kung saan nagtatrabaho si Papa. Ang bahay na nilipatan naming ay maganda bagama’t mayroong puno ng balete na katabi.
Noong una pa lang ay kakaiba na ang titig sa amin ng mga tao doon. Hindi ko alam kung ano ang ibibigay kong deskripsyon sa mga titig nila. Hanggang sa may lumapit kay Mama sabay sabing ingatan daw n’ya ako. Hindi ko alam kung ano ang nais iparating ng babaeng iyon dahil sa pitong taong gulang pa lamang ako noon.
Dahil sa bakasyon  pa lamang noon ay wala pang pasok, kaya naman napag-isipan kong tumulong muna kay mama na maglinis at mag-ayos ng mga gamit sa loob ng bahay bago lumabas.
“Mama, maglalakad-lakad lang ako sa labas ng bahay” – paalam ko kay Mama at pumayag naman s’ya.
     Nakalabas na ako ng bahay at bigla-bigla na lang akong napatingin sa malaking puno ng balete na katabi lang ng bahay namin, parang may humihila at nagsasabi sa akin na lumapit ako sa punong iyon, ngunit..
“Neng, saan ka pupunta?” – sabi ng isang babae
“Diyan lang po” – turo ko sa may puno ng balete at bakas sa mukha ng babae ang pagkagulat.
“Gusto mong pumunta sa bahay? Ipapakilala kita sa anak ko para naman may kalaro ka” – exciting ‘to sabi ko sa sarili ko.
“Aba! Sige po!” – sabi ko sa kanya at ako nga’y tuwang tuwa.
     Hanggang sa nakilala ko si Mary Ann, simula noong araw na iyon ay kami ang magkasama. Hindi kami pinapayagang lumabas ng Mama n’ya sa hindi ko malamang dahilan. Ngunit isang araw ay nagpaalam sa akin si Mary Ann kasama ng kanyang Ina na luluwas na raw sila ng Maynila at doon na rin mag-aaral si Mary Ann.
     “Wala na akong kalaro” – sabi ko sa isip ko
Hapon na noon ay nasa labas ako ng bahay, nalulungkot ako sa pag-alis ni Mary Ann. Habang nasa kalagitnaan ako ng pag-iisip ay may lumapit sa akin na isang Batang Babae.
“Parang ka-age ko rin ‘to ah!” – sabi ko sa isip ko
“Bago ka ba dito?” – tanong ko sa kanya
Hindi.  Matagal na ako dito” – sabi n’ya
“Ngayon lang kasi kita nakita e, kilala mo si Mary Ann, sayang pumunta na s’ya ng Maynila”
“Gusto mong maglaro?” – sabi n’ya at hindi n’ya pinansin ang sinabi ko kaya um-oo na lang ako.
“Halika! Punta tayo doon” – nagulat ako dahil itinuro n’ya ang punong balete. Hindi ko na lang pinansin kasi may bago na naman akong kakilala. Nung maglalakas n asana ako, bigla akong tinawag ni Mama at pagtingin ko sa may pinto ay nandoon na si Mama.
“Jenny! Sino kausap mo? Nagsasalita ka mag-isa mo. Pasok na sige na!” – sabi ni Mama.
“Mama naman e, hindi po ako mag-isa kasama ko po si-“ – nung ituturo ko na sana yung bago kong kakilala ay nagulat ako dahil wala na s’ya sa tabi ko.
“Nasaan? Jusko ikaw talagang bata ka, pasok na!” – kunot noong sabi ni Mama. Pumasok na lang ako sa loob.
     Kinaumagahan, walang pakundangan akong nagtungo sa puno ng balete, nagbabakasaling Makita ko ang aking kalaro. Sa likod niyon ay nakita ko ang isang babaeng bakas na bakas ang pagkalungkot sa mukha n’ya.
“Anong nangyari sa iyo?” – tanong ko sa kanya.
“Ah! Nandito ka pala. Wala! Wala! Laro na tayo ng tagu-taguan gusto mo?” – sabi n’ya at ayon na naglaro na kami kahit kaming dalawa lang.
     Pagkatapos niyon ay umuwi ako sa bahay ng tuwang tuwa. Nag-enjoy naman akong kasama s’ya at mukhang ganoon din naman s’ya sa akin. Araw-araw na kaming naglalaro ng kahit na ano, hanggang dumating sa punto na di naming namamalayan na maggagabi na pala.
“Una na ko ha?” – paalam ko sa kanya at tumango naman s’ya.
     Nang nasa labas na ako nang bahay ay nakita ko ang galit na galit na mukha ni Mama.
“Saan ka ba nagpupupunta ha? Hinanap na kita sa mga kapitbahay natin wala ka naman daw, mapapatay mo ako sa nerbyos ikaw bata ka!” – sabi ng aking Mama.
“Mama, sorry po. Nakikipagkwentuhan at nakikipaglaro lang naman ako dyan oh” – turo ko sa may puno ng balete.
     Nakita ko ang gulat na gulat na ekspresyon ni mama na bakas na bakas sa kanyang mukha.
“Subukan mo pang pumunta doon, makakatikim ka na talaga sa aking ng palo! Naiintindihan mo ba?” – galit nag alit na talaga si Mama.
“Opo Mama” – iyan na lang ang nagging sagot ko kay Mama at dumiretso na ako sa aking kwarto.
“Kailangan kong makabalik doon dahil may sasabihin daw s’ya akin”
     Kinabukasan ay naghahanap ako ng tiyempo para makalabas ng bahay. At noong nasa kusina na si Mama ay sinamantala ko na ang pagkakataong iyon para makalabas. Nakarating ako sa may likod ng balete at nakita ko ang pilit na pilit na ngiti ng aking kaibigan.
“Ano nga pala ang sasabihin mo?” Bilisan mo lang ah? Kasi aalis din ako kaagad, baka kasi hanapin ako ni Mama” – sabi ko.
“Yung Mama ko, iniwan ako dito” – panimula n’ya. Hinayaan ko lang na ipagpatuloy n’ya ang kanyang sinasabi.
“Iniwan n’ya ako siguro ako dito dahil ako raw ang malas sa buhay n’ya, ako raw ang dahilang kung bakit sila naghiwalay ni Papa”
“Hinihintay ko si Mama dito at nagbabaka-sakaling balikan n’ya ako dito”
“Ayokong umalis sa lugar na ito, hihintayin ko ang Mama ko”
     Tanging pagtango lang ang nagawa ko. Hindi ko alam kung ano ang ssabihin ko.
“Pwede bang di---
“Jenny!!”
     Hindi ko na narinig ang sinabi n’ya dahil distracted ako sa boses ng Mama ko.
“Ano na ulit ‘yong sinabi mo?” – sabi ko sa kaibigan ko.
     May kumalabit sa akin sa likod ko, nung tinignan ko
“WAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHH! MAMA! Ano ba naman kayo! Kita ninyong may kausap ako e tapos nandi---
     Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil bigla-bigla na lang akong hinila ni Mama pabalik sa loob ng bahay. Nagulat ako dahil pagkapasok ko sa loob ay may nakita akong Matanda na nakaupo sa may sala.
“Sino po kayo?” – tanong ko sa kanya
“Maupo ka dito” – turo ni Mama sa isang upuan.
     Pagkaupo ko pa lang
“May nakikita ka bang bata dyan sa may puno ng balete?” – sabi n’ya.
“Opo, kalaro ko nga po s’ya palagi e” – sabi ko.
“Multo s’ya at huwag na huwag ka nang lalapit pa doon”
“Hindi po… H-hindi po s’ya multo!” – sabi ko at konti nalang ay babagsak na ang mga luha sa aking mata.
“Namatay s’ya noong nakaraang taon, Iha. Nasagasaan s’ya dyan mismo sa may tabi ng balete na iyan, ngunit hindi s’ya binalikan nung nakasagasa sa kanya. Totoo ito Iha dahil isa ako sa mga nakakita sa bangkay n’ya. Hanggang sa usap-usapan na dito na may nakakakita raw sa kanya dyan, kaya nga hindi masyadong pinapalabas ang mga bata dito” – sabi n’ya.
“Bukas na bukas ay aalis na tayo dito, nakaimpake na ako at nasabi ko na rin sa Papa mo na lilipat na lang tayo sa mas safe na lugar” – sabat ni Mama.
“Mama kahit naman ni minsan ay hindi ko naisip na multo s’ya. Kahit naman ni minsan hindi n’ya ako sinaktan, kaibigan ko po s’ya” – napahagulgol na lang ako sa pag-iyak.
“Wala ka ng magagawa! Aalis na tayo bukas na bukas din”
     At wala na akong nagawa noong araw na iyon. Umalis kami doon at sa isang sulyap ay nakita ko ang aking Kaibigan, lumulutang sa ere ang dalawang paa at bakas sa kanyang mukha ang kalungkutan.
~
Labing-siyam na taong gulang na ako ngayon ay naaalala ko pa rin ang bagay na iyon. Naisip ko na hindi pala sa lahat ng bagay ay dapat katakutan ang mga multo,dahil ang ilan sa kanila ay may hinihintay. Hindi sila nmatahimik dahil may kailangan pa sila o di kaya ay may gusto pa silang sabihin sa mga taong naiwan nila kagaya na lamang ng aking Kaibigang Multo.


~ Wakas ~