“Maskara”
Sabi nila
TRUST is like a glass, once na nabasag ay hindi mo na ito maaaring maibalik sa dati.
Sabi rin nila,
ang buhay ay nababalutan ng mga pekeng maskara, kasi dito nakatago lahat ng
mga masasama at malulungkot na bahagi ng ating buhay.
Isa
ako sa mga taong naniniwalasa PERFECT! Kasi namulatako ng may buo at
masayang pamilya.Tatlo kaming magkakapatid at ako ang pangalawa.Pinag-aral ako ng
aking Tita sa pribadong paaralan at naimpluwensyahan ako ng masasaya at
mabubuting kaibigan.
Kung
ilalarawan ako ay isa akong living “Mr. Bean”,
maraming kalokohan ngunit nagbibigay kasiyahan.
Okay pa
naman ang takbo ng buhay ko hanggang sa umapak ako ng kolehiyo ngunit ang masaya kong buhay
ay unti-unti nalang naglaho.
“Ma, okay ka lang ba? Bakit biglaan ka na lang umalis
ng bahay? Wala man lang paalam ganun? Si Ate naman may asawa’t anak na siya! Hindi
pa nga siya nakapagtapos ng pag-aaral. Pero ma! Pagpasensyahan mo na ha? Sana
nga nandito ka! Hindi ko man lang kasi alam ang rason mo kung bakit bigla-biglaan ka na lang umalis
ng bahay.”
“Alam mo ma, miss na po kita! Si papa?Ayun walang ibang ginawa kung hindi uminom! mapa-umaga,
tanghali at gabi-gabi. Tinagurian ko nga siyang “drinking Lord” eh! At
dumating na rin po sa point na nakakapagmura na talaga ako dahil sa kanya.”
“May problema ho ako ma! Si
tita ayaw na akong pag-aralin dahil kay Lolo kasi sinabi raw po ni Lolo sa kanya na wala
raw siyang karapatan sa akin. Hindi ko naman po alam ang buong kuwento kaya
hindi ko po alam kung ano po talaga ang nangyari. Basta ang alam ko ay
hindi na ako pag-aaralin ni tita. Paano na po ako ngayon?”
“Nangako po si Lolo at Tito na pag-aaralin nila ako pero
ma, isa po silang malaking exclamation point!Sinungaling po sila!!!!
Binigay ko yung buong tiwala ko sa kanila kasi naniniwala ako na talagang susuportahan at
pag-aaralin nila ako ngunit napunta sa wala ang lahat.”
“Ang sakit lang po kasi naniwala ako sa kanila.
Nawala po bigla lahat ng mga pangarap ko sa buhay. Nasaan na yung PERFECT family
na binuo ninyo ni Papa? Nasaan na po yung PERFECT family natin?”
“Nag-aaral po ako ng mabuti para sa inyo at para
na rin may kinabukasan ako, ni wala nga po akong bagsak at talagang nagsisipag ako para
lang mapasaya ko kayo kahit papaano. Wala ng magpapa-aral sa akin! Tinalikuran na po nila akonglahat
ma! Ang masakit pa, PATI KAYO!”
“Wala akong maaasahan kay Papa
kasi wala naman po siyang pakialam sa akin, drinking lord
e!Nakakapanghinayang kasi siya nga yung nandito ngayon pero parang di po siya nag
e-exist. Wala nga po siyang pakialam sa amin e! Imbes na siya sana yung makatulong sa problemang idinulot sa
akin ng mga taong nangakong magpapa-aral sa akin eh’ hindi naman.”
“Tapos ma!Ang unfair mo!
Ang tagal mong nawala tapos malaman-laman ko na lang na nasa hospital pala kayo!
Malaman-laman ko na lang na may sakit na pala kayo. Bakit ngayon pa
po?Nagkandaleche-leche na ang buhay ko ngayon. Wala ng perfect! Ang sakit sakit na!
Parang di ko na po kaya! Pero dahil na rin sa tulong at suporta ng
mga bubutihin kong mga kaibigan ay nagagawa ko pa ring ngumiti at itago sa likod ng
aking maskara ang katotohanan.”
“Nakapagdesisyon na po ako na kung
wala na talagang ibang makakatulong sa akin ay
tutulungan ko na lang po mismo ang sarili ko.”
“May trabaho na po ako ngayon ma at mag-iipon ako ng
dalawang taon tapos ako na mismo magpapa-aral sa nakababata kong kapatid.”
Hindi sa lahat ng pagkakataon ay
dapat ialaynatin sa iba ang ating magiging kapalaran sa hinaharap. May
mga pagsubok na darating sa mga pagkakataong hindi natin inaasahan. Ngunit dahil na rin sa aking sariling pagsisikap
at tiwala ay nakakaya kong harapin ang mg adagok ng buhay.
Ako ay masayahing tao na parang hindi mo kakikitaan
ng kahit anong problema sa buhay. Hindi ako kakikitaan ng anumang bahid ng
lungkot dahil nakatago lamang ito sa likod ng aking maskara.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento